-Pangalan ng aking ina. Inang aking ipagmamalaki sa lahat., bakit ang hindi?., Sya ang maituturig kong pinaka-dakilang ina sa balat ng lupa., Kami'y anim na magkakapatid., limang babae at isang lalaki at hindi ko lubos maisip kung papaanong ang bawat isa sa amin ay kanyang naiintindihan at kaya nyang disiplinahin.
Sya'y may masungit na mukha sa unang tingin., ngunit may busilak na puso at kalooban. Kami'y kanyang pinalaki na may kalayaan ngunit may pagpipigil sa sarili. Noong ako'y tumuntong sa hayskul lagi nyang paalala sa akin "Wala akong ipinagbabawal na kahit anu pa man., may bait ka na., alam mo kung ano ang tama at mali." Maari kong gawin ang lahat ng ibig kong naisin ngunit laging ume-echo sa aking pandinig ang mga katagang "Ang bawat kilos o galawa na gagawin mo., may katumbas na reaksyon yan., pwedeng maganda at pwedeng ding hindi." At sa mga paalalang iyon ako'y natutong magkontrol ng mga dapat at di-dapat gawin., dapat at di-dapat salihan.,
Nakita ko kung gaano nasumikap si mama para maiahon kami sa kahirapan., naroong sumusugat at nagpapasa ang kanyang mga balikat sa kakabuhat ng kanyang mga paninda. Tinuruan nya kami kung paano ang kumita ng pera. Isinasama nya kami sa kanyang pagtitinda at sa gayon, naitanim sa aming mga isipan na dapat kaming magsumikap.
Salamat sa DIYOS at kami'y pinagkalooban ng isang inang kagaya nya.,
LIGAYA as in JOY!
LIGAYA as in JOY!

No comments:
Post a Comment